NGAYONG panahon ay wala nang kahirap-hirap kung gusto mong magparating ng mensahe sa isang tao o institusyon dahil nariyan ang social media, text at tawag.
Pero kakaiba ang ginawa ng isang residente ng Cebu City: isinulat niya ang kanyang paghingi ng tulong sa kanilang barangay captain sa saranggola.
Naispatan ng netizen ang saranggola na may mensahe na “Ang Bugas Kap” (Our rice [barangay] captain) kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinunan ito.
Ipinost niya ang larawan noong Abril 7 at napukaw ang atensyon ng maraming netizens.
“The kite was not just a kite for me, it was also served as a therapy that gave positivity to my heart’s burden. But to inform them that despite of the negative things that we are facing right now, we can always find those small ways to bring back the positivity. That no matter how hard life brings to us, we can survive and we can always find ways to fly high like the kite in the sky,” ayon sa nag-post ng larawan.
Ngayong umaga ay na-share na ito nang 22,000 beses at mayroon nang 8,300 laugh reactions.
Hindi naman sinabi sa ulat Kung napagbigyan na ng barangay captain ang hiling ng nagsasaranggola. –CDN