Namatay sa COVID-19 hindi pinayagang ma-cremate sa punerarya ng kalaban

TUMANGGI umano ang isang opisyal ng Quezon City Social Service na kunin ng funeral parlor na konektado sa kalabang pulitiko ang mga bangkay na nasawi sa coronavirus disease 2019 para ma-cremate.

Ikinalungkot ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor ang pamumulitika umano sa gitna ng pangangailangan na magtulungan upang malabanan ang COVID-19.

Ayon kay Defensor pinigilan ni Carol Parohinog ang Lung Center of the Philippines na ibigay ang 12 bangkay na nasawi sa COVID-19 sa purenarya na konektado kay Quezon City Rep. Onyx Crisologo.

 “Hospitals and local government units like Quezon City should follow the Department of Health (DOH) protocols in the cremation of dead Covid-19 patients. The ideal is to have them cremated in 24 hours to contain the virus,” ani Defensor.

Humingi ng tulong ang Lung Center matapos na mapuno ang crematorium na accredited ng QC government. Apat na bangkay lamang ang kasya sa morgue ng ospital.

“Cremation is prescribed to prevent the spread of the virus. Why should a city hall officer stop it? They are playing with the health of our people. They are exposing them to danger,” dagdag pa ni Defensor.

Sinabi ni Defensor na may naaamoy siyang pulitika kaya hindi pinayagan na ma-cremate ang mga bangkay sa funeral party na konektado kay Crisologo, anak ni dating QC Rep. Bingbong Crisologo na tinalo ni QC Mayor Joy Belmonte noong nakaraang eleksyon.

“We should set aside politics here. It is the health of our people that is at stake. This virus knows no political color,” ani Defensor. “Let us all stick to protocols or our fight against Covid-19 will fail.”

Read more...