NIYANIG ng magnitude 6.0 lindol ang Batanes kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:44 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 37 kilometro sa silangan ng Basco. May lalim itong 157 kilometro.
Posible umanong magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito, ayon sa Phivolcs.
Nagdulot ito ng paggalaw na Intensity IV sa Basco at Itbayat, Batanes.
Intensity III naman sa Tuguegarao City, Cagayan; at Luna, Apayao.
Ang mga instrumento naman ng Phivolcs ay may naitalang Intensity II sa Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte at Intensity I sa Vigan City.
MOST READ
LATEST STORIES