Moira, Yeng, Angeline, KZ, Catriona may regalo sa frontliners; JoshLia may magic pa rin

BUKAS na ng gabi mapapanood ang “KanTAHANAN: Isang Pagsaludo Sa Mga Mahal Nating Frontliners” sa Cornerstone Entertainment Facebook page.

Ito ang ipinost ng Presidente at CEO ng Cornerstone sa kanyang Instagram account, “CSTV gratefully brings to you “KanTAHANAN : Isang Pagsaludo Sa Mga Mahal Nating Frontliners.”

“An inspiring musical treat dedicated to all our brave frontline workers who are still passionately serving the country. We also wish this would bring hope and encouragement to everyone during these very difficult times.

“Catch us this Easter Sunday April 12 at 8 pm at our Cornerstone Entertainment FB Page as we STREAM for you straight from our HOMES and from our HEARTS. #CSTVLive #CSTVKanTAHANAN #CSTVPresentsKanTAHANAN.”

Ito ay pangungunahan nina Yeng Constantino, Moira, Erik Santos, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Rachelle Ann Go, Jaya, Kyla, K Brosas, Jason Dy, Jay R, Jayson Marvin at Catriona Gray.

 

* * *

                                                                 

Certified hit ang pelikulang “Block Z” nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa iWant matapos itong magtala ng pinakamaraming manonood sa unang dalawang araw ng pagpapalabas nito.

Sa halagang P30, makakapanood na ng “Block Z” sa iWant at maaari na rin itong ulit-ulitin sa loob ng pitong araw. Ang pelikula ay idinirek ni Mikhail Red at sinusundan ang pakikipagsapalaran ng isang grupo ng mga estudyante na matakasan ang mga zombie sa kanilang paaralan.

Nu’ng nakaraang Biyernes (Abril 9,) ay napanood na rin sa iWant ang “James and Pat and Dave” nina Ronnie Alonte, Donny Pangilinan at Loisa Andalio mula sa Star Cinema na idinirek ni Theodore Boborol.

Samantala, pinag-usapan naman sa social media ang pagdating ng “Block Z” sa iWant pati na sa KBO ng ABS-CBN TVPlus, kung saan nagtala rin ang pelikula ng pinakamaraming nanood sa unang araw nito. Nasa iWant at KBO na ang pelikula tatlong buwan matapos itong ipalabas sa mga sinehan.

Ayon sa Twitter user na si @MelvinMCMXCVIII, “Didn’t get to catch Block Z on cinemas good to know that @iwant offered PPV for it that made me able to watch it this time. Epic film indeed with a touch of international cinematography. I’m rooting for a sequel.”

Pinanood naman ni @iamanjelofactor ang parehong iWant original series at Star Cinema movie ni Julia at sinabing, “Jusko. From I AM U to Block Z ni @barrettojulia. Super ganda. Super recommended movie. Watch this via @iwant app. Talagang ginising ko pa family ko to watch this film para sulit naman ‘yung rent.”

“Ikalawa ko nang panonood ‘to. Pinakauna sa sinehan. Ngayon mas na-appreciate ko na ang maliliit na details. Nood kayo guys, nasa iWant,” pahayag naman ni @KenethJeferson.

 

 

Read more...