MAY nagtanong sa amin kung bumalik na ulit si Nadine Lustre sa love nest nila ni James Reid sa isang posh subdivision sa Katipunan, Quezon City.
Namataan daw kasi ang aktres na nag-grocery sa Mercado sa UP Town Center malapit sa nasabing subdibisyon.
Matatandaan na nabalitang umalis na si Nadine sa bahay ni James nang maghiwalay sila ilang buwan na ang nakararaan.
Ayon sa isang source, nag-rent ng condo unit sa Rockwell, Makati City si Nadine. Ito rin yung panahon na lumabas ang balitang ipinagbibili na ni James ang mansiyon na naging bahay nila ng kanyang ex-girlfriend.
Marami naman ang nagdudang hindi talaga naghiwalay ang dalawa kundi nagkatampuhan lang kaya umalis si Nadine sa bahay ni James. May mga nagsabi naman na nagkabalikan din ang magka-loveteam dahil obvious na mahal pa rin nila ang isa’t isa.
Parati pa rin kasing nakikitang magkasama ang JaDine sa mga gimikan at showbiz events bago pa ipatupad ang enhanced community quarantine, kabilang na nga rito ang ilang beses nilang pagkain sa labas.
Anyway, ayon sa nagtanong sa amin ay malaki ang duda niya na muling magkasama sina James at Nadine sa bahay ng aktor dahil nga sa Merkado namili ang huli.
Sabi pa ng kausap namin, “Taga-Rockwell siya (Nadine), may supermarket doon, bakit sa UP Town pa siya namili? Unless bumalik na nga siya sa love nest nila ni James. I’m not saying na nagkabalikan na sila, baka bumalik lang sa bahay or what.”
Palaisipan naman sa amin kung sa Merkado UP Town Center ba talaga namili si Nadine o sa katapat nitong Marketplace, Rustan’s along Katipunan dahil sa unang larawang ipinost ng netizen na si @MaxayneOroceo kung saan nakapila ang dalaga para mag-grocery.
Sa ikalawang larawan naman na ipinost ni @leigh_p311.2 ay nasa vegetable section si Nadine at makikita ang signage na Merkado na nasa UPTC nga.
Hmmmm, posible kayang pinuntahan ni Nadine ang dalawang supermarket sa parehong araw, Abril 4?
Anyway, kung saan man siya namili sa dalawang nabanggit na lugar ay iisa pa rin ang tumbok nito, malapit ito sa bahay ni James.