Duque: Kaso ng COVID-19 sa PH isa sa pinakamababa sa buong mundo | Bandera

Duque: Kaso ng COVID-19 sa PH isa sa pinakamababa sa buong mundo

Bella Cariaso - April 09, 2020 - 05:47 AM

Pangulong Duterte habang nakikipagpulong sa IATF.

IPINAGMALAKI ni Health Secretary Francisco Duque III na isa ang Pilipinas sa pinakamababang kaso ng coronavirus disease sa buong mundo matapos na ring ipatupad ang lockdown sa buong Luzon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“So’ito lang po ang aking masasabi. At pagka ihahambing po natin ang bilang ng mga may impeksyon sa Pilipinas ay isa po tayo sa may pinakamababa na bilang sa 3,764 po ang bilang as of yesterday,” sabi ni Duque sa public address ni Pangulong Duterte kaninang pasado alas-12 ng hatinggabi.

Idinagdag ni Duque, na bukod sa lockdown,  napigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa matapos na rin ang agarang travel ban na idineklara ng gobyerno laban sa China noong Pebrero.

“At ang — ito pong bilang na ito ay lumalabas dalawa ang total case per one million population. Isa po tayo sa pinakamababa,” ayon pa kay Duque.

“At kung ihahambing po natin ang mga mayayamang bansa ay ‘di hamak na malayong-malayo po ang atin ranggo. Kung titingnan po natin ayan po malinaw naman po sa mga listahan na nakalagay po sa COVID world tracker ay isa po tayo sa may mababa na rate of infection,” aniya.

Sinabi pa ni Duque na lumalabas na epektibo ang enhanced community quarantine sa Luzon at travel restriction sa China sa kampanya ng pamahalaan laban sa deadly virus.

“So ito po ang dalawang kadahilanan — pangunahing kadahilanan kung bakit po ang bilang ng COVID infection sa Pilipinas kung ihahambing sa ibang mga bansa ay mababa po talaga,” giit ni Duque.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending