SA patuloy na pagdami ng bilang ng mga kaso ng Covid-19, hindi lang face mask, alkohol at mga bitamina ang nagkakaubusan ng supply sa mundo.
Nanganganib din umanong magkaroon ng global condom shortage, ayon sa mga dalubhasa.
Sinabi ng United Nations, magkakaroon ng “devastating consequences” sakaling kumonti ang mabibili at ipinamimigay na condom.
“A shortage of condoms, or any contraceptive, could lead to an increase in unintended pregnancies, with potentially devastating health and social consequences for adolescent girls, women and their partners and families,” ayon sa tagapagsalita ng UN.
Magkakaroon din umano ng pagtaas sa bilang ng abortion at mga sexually transmitted diseases gaya ng Aids at gonorrhea at syphilis.
Isinisisi ang pagkonti ng supply ng condom sa pagsasara ng mga pabrika na hindi itinuturing na “essential” o mahalaga ngayong panahon ng Covid-19. –Inquirer