Panukalang COVID-19 testing centers sa Mindanao na-inspeksyon na

NAGSAGAWA ng inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Health sa Zamboanga City Medical Center at laboratoryo ng Department of Agriculture Region IX upang matukoy kung maaari na gawing COVID-19 testing centers ang mga ito.

 Umaasa si House Deputy Majority Leader at Zamboanga Sibugay Rep. Wilter

“Sharky” Wee Palma II na maaprubahan ng DoH ang aplikasyon ng mga ito upang hindi na kailanganing dalhin sa Research Institute for Tropical Medicine ang mga sample na kinuha sa mga pasyente na pinaghihinalaang nahawa ng coronavirus disease 2019 sa Region IX.

Kasama ng DoH na nagsagawa ng inspeksyon ang RITM at World Health.

“May their visit and inspection to our facilities could pave the way for the establishment of COVID-19 screening center in Region IX at the soonest possible time,” ani Palma. . “From the bottom of my heart, thank you to the members of RITM, DoH & WHO who inspected the facilities of the ZCMC and the DA for possible use as COVID-19 testing centers in Region IX.”

Sinabi ni Palma na mahalaga na maparami ang mga COVID-19 testing facilities sa Mindanao upang maiwasan pagkalat nito.

Ang Zamboanga City Medical Center ang nag-iisang tertiary DoH-retained hospital sa Region IX.

Ang laboratoryo naman ng DA sa Zamboanga City ay mayroong Diagnostic Polymerase Chain Reaction na ginagamit nito sa pag-detect ng African swine fever at Avian Influenza.

Read more...