IDADAGDAG sa hanay ng mga health workers ang 41 police personnel na may medical background sakaling dumami ang madadapuan ng Covid-19 sa Region 12.
Inanunsyo ni Brig. Gen. Alfred Corpus, hepe ng Police Regional Office-12, na bumuo siya ng Medical Reserved Force mula sa kanilang hanay bilang paghahanda sa pagdami ng kaso sa rehiyon ng
Soccsksargen.
Aniya, ang mga miyembro ng MRF ay mga graduate ng medical-related courses at nakatalaga sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon.
“In case this pandemic comes to worst, PRO-12 is ready to deploy its personnel (with medical backgrounds),” dagdag ni Corpus.
Giit niya, hindi lang sinanay ang mga nasabing pulis upang protektahan ang publiko, hinasa rin ang mga ito upang sumagip ng buhay.
Ang rehiyon ay binubuo ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos.