Parusa sa curfew violator: Sexy dancing, lips to lips

KINONDENA at pinaiimbestigahan ng Gabriela partylist ang ginawa umanong parusa ng isang kapitan sa Mexico, Pampanga sa tatlong LGBTQ+ members na lumabag sa curfew.

Inutusan umano ni Pandacaqui Barangay captain Christopher Bombing Punzalan ang mga nahuli na mag-sexy dancing gaya ng nasa Tiktok para sila ay makauwi. Nang hindi nila magaya ay inutusan naman umano sila na mag-lips to lips. Dahil hindi pa rin nila nagawa sila ay pinag-push up ng 20 beses.

Naka-Facebook live umano ang pangyayari noong Palm Sunday.

Ayon sa Gabriela hindi tama ang ginawa ng kapitan sa mga taong hinuli dahil nasa labas ng kalsada paglagpas ng 8 ng gabi.

“In this crisis situation where everyone must stand against all forms of harassment, discrimination, and violence against women and LGBT+, there is no space for public officials who choose to bend the law and disregard human rights,” ani Gabriela Rep. Arlene Brosas.

Hinamon ni Brosas ang DILG na parusahan ang kapitan ng barangay dahil inabuso nito ang kanyang kapangyarihan.

“We highly encourage other victims to speak up and demand accountability. Anyone who is willing to seek help may send a message to our official Facebook page.”

Read more...