Pasay City Mayor Calixto nag-self-quarantine na

NAG-self-quarantine si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano matapos na makasalamuha ang isang nagpositibo sa coronavirus disease COVID-19) 

Ayon kay Jun Burgos, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Pasay City, naka-expose si Calixto sa isang nagpositibo sa COVID-19 habang namamahagi ng food packs para sa mga apektado ng lockdown sa Luzon.

Idinagdag ni Burgos na nakipag-unayan na si Calixto sa kanilang city health officer para magpa-test.

Nakatakda sanang mamahagi ng relief goods  si Mayor Emi sa Barangay 201 sa Merville Access Road, Kalayaan Village ngunit hindi na ito natuloy.

Read more...