P1M shabu nasamsam, 7 huli sa buy-bust

ARESTADO ang pito katao at nasamsam ang may P1 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng Quezon City Police District sa Caloocan kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Mark Anthony Santos, 23, Philip Wayne Matthews, 22, Bert Mangampo, 44, Custodio Carnasa, 35, Ricky Arquiza, 33, mga taga-Caloocan City, Eddie Bon Alardo, 29, at Cherielyn Dianan, 18, mga taga-Valenzuela City.

Isang poseur buyer ang nakabili umano ng P7,500 halaga ng shabu sa grupo ng mga suspek alas-11 sa Room 4, 2nd floor Abelin Dela Cruz Apartment, Dela Cruz Compound, Brgy. 165, Bagbauin, Caloocan City.

Nang maaresto ay nasamsam umano sa mga suspek ang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.02 milyon, isang kalibre .45 pistol na walang lisensya, isang kalibre .38 revolver, at mga bala.

Samantala, naaresto naman ng District Drug Enforcement Unit sa buy-bust si Diana Jeane Brosas, 42, alas-6:20 kagabi sa Calavite st., Brgy. Salvacion, La loma. Nasamsam umano sa kanya ang P204,000 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng Batasan Police si Roberto Ramos, 55, alas-2:20 ng hapon kahapon sa Jade st., Brgy. Payatas B. Narekober umano sa kanya ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Read more...