Magnitude 4.4 lindol sa Siquijor

NIYANIG ng magnitude 4.4 lindol ang Siquijor kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:30 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 40 kilometro sa silangan ng bayan ng Maria. May lalim itong 18 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Maria, Siquijor.

Intensity IV naman sa Lazi, Siquijor; Panglao, Dauis, Baclayon, Garcia Hernandez, Jagna at Tagbilaran City, Bohol.

Intensity III naman sa Enrique Villanueva, Siquijor; Loay, Bilar, Carmen, Cortes, Candijay at Duero, Bohol.

Intensity II naman sa Pilar, at Trinidad, Bohol.

At Intensity I sa Dumaguete City; Mambajao, Camiguin; at Sibulan, Negros Oriental.

Read more...