JM humiling ng dasal para sa paggaling nina Sylvia Sanchez at Art Atayde

HUMILING ng mas marami pang dasal ang Kapamilya actor na si JM de Guzman para sa tuluyang recovery ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Kasalukuyang nagpapagaling ang award-winning actress at ang kanyang mister matapos mag-positibo sa coronavirus disease o COVID-19 kamakailan.

Sa kanyang Instagram account,  humingi ng dasal si JM sa kanyang two million followers para sa tuluyang paggaling ng mag-asawa.

Ipinost ng binata ang litrato nina Sylvia at Art sa IG na may caption na, “Hello…

“I humbly ask for your prayers for tito Art and tita Sylvias fast and smooth recovery. [heart, flexed biceps, praying hands emojis].

“Thank you.”

Pinusuan ng libu-libong followers ni JM ang kanyang post kasabay ng pag-aalay ng panalangin para sa mga magulang nina Arjo at Ria Atayde. 

Ayon pa nga sa isang netizen, naniniwala siyang gagaling ang mag-asawang Atayde tulad ng kanyang mga magulang na kapwa COVID-19 survivors.

Matagal nang malapit si JM sa pamilya ni Sylvia hanggang sa magkasama nga sila sa Kapamilya series na Pamilya Ko bilang magnanay.

Kung matatandaan din, na-link noon si JM kay Ria pero pareho nilang dinenay na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Kamakailan, naglabas ng official statement sina Arjo at Ria sa para ibalita sa publiko ang tunay na kalagayan ng mga magulang.

“Before anything else, we’d like to thank everyone for their overwhelming love and support.

“Although it is difficult and anxiety-inducing knowing that both our parents are positive with COVID-19, all the well wishes and get well soon messages have definitely uplifted our family — especially them.

“A week into their self-isolation and a week after having their swab tests done, our parents are slowly getting better.

“Although it’s taking longer than their usual recovery time, we are happy to see them with their spirits still high.

“Apart from that, it has enlightened us to know that no one that they have come in contact with before the quarantine and no one else here at home are showing symptoms.

“Thank you so much for your thoughts and prayers. We ask that you continue to pray for our parents, our household that nobody else contracted it, every other individual and family dealing with this same ordeal and of course, all our frontliners who continue to risk their lives everyday for our safety.

“Please all stay safe, healthy, take your vitamins and stay at home if you have the option. – Arjo, Ria, Gela and Xavi.”

Read more...