Gahamang negosyante kinarma sa Kuwaresma

 

KAHIT Semana Santa ay nagkalat ang mga mapagsamantala, pero mabuti na lamang at palaging alisto ang mga pulis.

Alas-8:45 ngayong umaga ay nasakote ng mga alagad ng batas sa Lapu-Lapu City, Cebu si John Michael Abuton, 31,  businessman at residente ng Brgy. Agus, habang nagbebenta ng mga overpriced na thermal scanner sa Brgy. Basak.

Nakumpiska kay Abuton ang ilang piraso ng thermal scanners na ibinebenta niya ng P5,000 kada isa gayong P1,000 lamang ang itinakdang presyo nito.

Isinagawa ang entrapment operation kontra kay Abuton ng Criminal Investigation Unit ng Lapu-Lapu City Police Office at Food and Drugs Administration.

Read more...