TINUKSU-TUKSO si Matteo Guidicelli ng kanyang showbiz barkada tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Sarah Geronimo.
More than a month pa lang kasal ang AshMatt pero mukhang atat na atat na ang kanilang mga kaibigan at fans na makita ang kanilang first baby.
Sa YouTube live stream ng “One Voice Pilipinas”, ang fundraising project ng Team Matteo para sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19 pandemic asar-talo na naman ang mister ni Sarah sa kanyang mga showbiz friends.
Naka-bonding muli ni Matteo sina Piolo Pascual, John Prats at Kean Cipriano sa nasabing charity project kung saan napag-usapan nga nila ang mga ganap sa kani-kanilang buhay habang naka-ECQ ang Luzon.
Dito, binati ni Piolo si John dahil buntis na uli ang misis nitong si Isabel Oli.
Hirit ni John, “Hahabol daw si Kean, e!” Na sinagot naman ng singer ng, “Hindi na, okay na ako!”
Bigla namang nag-dialogue si Papa P ng, “Hahabol daw si Matmat, e!” Sagot sa kanya ng mister ni Sarah, “Ay, ako yung kailangang humabol!”
“Ah, hindi pa ba?” hirit naman ni Kean na sinundan ng halakhakan ng tropa.
Samantala, tinawag naman ni John si Isabel para sumali sa bonding ng grupo habang niyaya rin ni Kean ang asawang si Chynna Ortaleza.
Banat naman ni John kay Matteo, “Matty wala ka bang partner?” Na sinagot ni Matteo ng, “Wala, e. Imaginary,” sabay tawa nang malakas. “Hindi, nag-record kasi si Sarah for ASAP.”
Dito, seryoso nang sinagot ni Matteo ang baby plans nila ni Sarah, “Wala muna. Enjoy enjoy muna kami. One month pa lang kaming kasal.
“Enjoy-enjoy muna kami. First time kami magkasama, e. Pero okay lang naman, steady.”
Ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang Christian wedding ceremony noong Feb. 20, 2020 sa Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City, Taguig.