Temporary health facility sa PICC natapos na ang civil works

NATAPOS na ng Department of Public Works and Highways, EEI Corporation at Vista Land Group ang civil works sa temporary health facility na itinayo sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum Halls.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar umabot sa 294 patient cubicles ang kanilang nabuo. Mayroon din itong anim na nurse stations at anim na smart house sa labas ng Forum building na magagamit ng mga health workers.

Sampung araw ang inisyal na deadline sa paggawa ng temporary health facilities pero natapos ito sa loob ng pitong araw dahil naging 24/7 ang pagtatrabaho rito.

“The Philippine National Police (PNP) Medical Corps will manage the health service operation of PICC Forum Tent quarantine facility,” ani Villar.

Dadalhin sa lugar ang mga pasyente na mayroong mild at moderate symptoms ng coronavirus disease 2019.

Read more...