Basurero bigyan din ng hazard pay–EcoWaste

DAPAT umanong bigyan din ng hazard pay ang mga basurero na patuloy ang paghahakot ng basura sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

 Ito ang apela ng environmental health organization na EcoWaste Coalition sa sulat na ipinadala nito sa apat na departamento dahil nahaharap din umano sa panganib ang mga garbage collectors.

“The calculation of the requested hazard pay should begin on March 17, 2020 until the ECQ is terminated,” saad ng EcoWsste sa sulat na ipinadala kina Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, at Budget Management Secretary Wendel Avisado.

Sinabi ng EcoWaste na sa ilalim ng Admnistrative Order 26 na pinirmahan ni Pangulong Duterte hindi kasali ang garbage collector na madalas ay kinukuha ng mga contractor ng basura ng mga lokal na pamahalaan.

“As frontliners from the environmental sector in the country’s determined efforts to prevent and control COVID-19, we believe that garbage collectors are entitled to hazard pay — regardless of their employment status – due to the risks they face in the performance of essential waste management services, which can be considered hazardous, especially under the extraordinary circumstances brought about by the coronavirus outbreak,” ani Eileen Sison, pangulo ng EcoWaste.

Sa gitna ng kawalan ng batas para sa pagbibigay ng hazard pay sa mga empleyado sa pribadong kompanya maaari umanong makipagkasundo ang mga ahensya ng gobyerno sa mga contractor ng basura.

 “Such action will be in sync with Republic Act 11469, or the Bayanihan to Heal as One Act, particularly on the ‘provision of safety nets to all affected sectors’ of COVID-19.  These can be factored in the social amelioration benefits, or the disaster funds of the LGUs.”

Read more...