Aiko may hugot sa 2 karakter sa serye; handa na sa ECQ extension
KAALIW ang hugot ni Aiko Melenzdez recently.
Akalain mo, naisip pa niya ang slight na pagkakatulad ng dalawang character na ginampanan niya sa TV.
“Pansin ko lang sa Wildflower nanlilimos ako ng pagmamahal as Emilia ke Raul, tapos sa Primadonnas ganun din ke Jaime.
“Buti na lang sa totoong buhay natagpuan ko na ang pagmamahal na di kailangan ipilit at manlimos! Boooom! Ahahhahaha! Sagana sa pagmamahal ke VG. #quarantinethinkingdayanonangaba #meextensionpadaw #inclineto15daysmore #laban #weareallinthistogether #memalang.”
‘Yang ang post ni Aiko sa Facebook. Aliw na aliw naman ang kanyang followers.
“Your character as Emilia really brought you back to where your really must belong…one of the greatest actress in PH entertainment world.”
“Very credible Aiko ang performance mo. You gave justice to the rome…How I wish na may STABLE lovelife na din ako ngayon….haizzzzt. In God’s most perfect time!!!!”
“Sana all natagpuan at hindi nanlilimos ng pagmamahal Ms Maria Kendra.”
“Naku Madam true lala po yan si VG na po ang forever niyo. Both viewers din po ako ng teleserye nio infact yun po yung pinag kakaabalahan ko panuorin ung wild flower sa iWant.”
May post din si Aiko sa Facebook tungkol sa extension ng enhanced community quarantine sa Luzon region na tatagal hanggang sa katapusan.
“April 30 alam na this! Be patient guys..kaya naten to!” ang hugot ng award-winning actress na umani rin ng daan-daang comments from her FB friends.
“It’s necessary. Unless we want to be like Ecuador or Spain now.
Sana sumunod na lahat ng tao.”
“Laban lang! Stay Safe and Pray Harder.”
“Kung wala ng mamamatay at wala ng magkaka-COVID pa… Kaso araw araw mas madami namamatay kesa sa mga naka-recover.”
“Stay at home and always keep on praying that sooner or later we can defeat covid19.. wag pong mtigas ang ulo. Prevention is better than cure.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.