Middle income earners bigyan ng tax credit–solon

NANAWAGAN si ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa gobyerno na bigyan ng tax credit ang mga middle income earners na walang matatanggap na tulong sa ilalim ng mga programa sa paglaban sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay Taduran malaking tulong sa mga middle income earners kung mababawasan ang buwis na kanilang ibinabayad o ikinakaltas sa kanilang suweldo.

“A lot of middle income families have also been badly hit by the slowdown in the economy and the work stoppage. They could be small businessmen or employed but their companies couldn’t sustain their operations,” ani Taduran.

Maraming middle income earners ang nagrereklamo sa social media dahil wala umano silang natatanggap na tulong sa gobyerno ngayong hindi sila nakakapasok sa trabaho dahil sa Enhanced Community Quarantine.

“I call on the government to extend financial assistance to middle income earners via a tax credit equivalent to the amount distributed to poor families under the social amelioration program,” ani Taduran. “Having to pay ₱5, 000 to ₱8, 000 less in taxes means ₱5, 000 to ₱8, 000 more that they can use for their personal needs.”

Ang buwis na nawala sa gobyerno ay mababawi rin umano kapag ginastos na ng middle income earners ang perang ito sa pagbili ng kanyang mga pangangailangan.

Read more...