SSS pensioners ibalik sa listahan ng makatatanggap ng social amelioration fund

DISMAYADO ang Bayan Muna sa pagtanggal sa mga pensyonado ng Social Security System sa mga bibigyan ng P5,000-P8,000 sa ilalim ng social amelioration program.

Punto ni Rep. Carlos Zarate mayroong mga pensyonado na wala pang P5,000 ang natatanggap na buwanang pensyon.

“We have long been pushing for the release of the second tranche of P1000 SSS pension increase way ahead of the CoViD pandemic because of the hardships suffered by our pensioners. In fact, when the pandemic hit our country, and, Metro Manila was placed under lockdown, this was also one of our suggestions in the Bayanihan Act to help cushion its impact on our elderly people. But our plea landed on deaf ears. So now our seniors are doubly burdened by the lockdown because they cannot go out to earn a little to add to their meager pension, and, worse the government even deny them even a little help,” ani Zarate.

Ang pinakamaliit na pensyon umano na nakukuha sa SSS ay P2,000 kaya hindi umano makatwiran na hindi isama ang mga ito sa bibigyan ng tulong ng gobyerno.

Sinabi naman ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na dapat ay bigyan ng hindi bababa sa P4,500 ang mga senior citizen na walang pensyon dahil P500 lamang ang natatanggap nito kada buwan sa ilalim ng social pension.

“Para makakuha din sila ng P5000 na financial assistance. Ganun din sa mga SSS pensioners na ang pension ay P2000 lang. Dapat dagdagan ng 3,000,” ani Colmenares.

Read more...