NILEKTYURAN ni Robin Padilla si Cavite Governor Jonvic Remulla tungkol sa mga priorities ng Duterte administration sa pagsugpo sa COVID-19 crisis, partikular na ang pagpapatupad ng social amelioration program (SAP).
Ito’y matapos ngang umapela ang gobernador na hindi lang mga low-income families ang bigyan ng financial assistance ngayong naka-enhanced community quarantine pa rin ang bansa kundi pati yung nasa middle-class.
Narito ang bahagi ng open letter ni Remulla kay Pangulong Rodrigo Duterte: “I write to you today to appeal for the middle class…As governor, I am respectfully asking that you consider them to be part of SAP.
“They may not get as much as the poorest of the poor but please consider their welfare.
“People who have climbed their way up in life: buying a house on mortgage; sending their children through college; having their 1st car or motorcycle on a 5 year installment basis.
“300,000 of them work in manila. 400,000 directly (factory workers) and indirectly (feeding, clothing, driving, retailing) from our economic zones…Families of 8 stay in housing units 24 to 40 square meters small.
“It is a time of crisis for everyone. Not just the poorest of the poor, but also those who have built much but not enough. They are often overlooked. They pay the most taxes. They keep our economy alive.
“They are mostly law abiding citizens. They need a break.”
“Sir Governor alam ni mayor PRRD ang ginagawa niya hindi puedeng sabay sabay sa isang bagsakan dahil limitado rin ang resources ng bansa wala pa tayong collection ng tax.
“Dahil un ang inuna ng administration suspended ang pagbabayad ng TAX ng WORKING CLASS yun pagkasa ng pangulo sa mga oligarchs yun malinaw yun na para sa mga middle class pero ngayon sa pagharap natin sa digmaan laban sa kalaban na hindi nakikita.
“Ang mahirap at pinakamahihirap ang tatamaan nito ng bigtime, PLAGUE ito governor kapag hindi naalagaan ang disiplina kapakanan at kalusugan ng mga mahihirap kapag hindi sila inuna expect death on a massive scale.
“Kaya po sir governor kung sakaling ipahintulot pa ng Panginoon na makabalik pa tayo sa dating mundo aasahan ko ang muli mong pagtindig at paglutang kapag kakasahan na muli ni mayor PRRD ang mga oligarchs dahil ang makapagbibigay lamang ng kaginhawaan sa buhay ng mga middle class ay ang tamang sueldo tamang benepisyo at tamang karapatan para sa mga manggagawa/middle class.
“Yun hindi pagbayad ng kuryente at tubig sa buwan ng marso YUN PARA YUN SA MIDDLE CLASS in shaa Allah mangyari.”
Maraming IG followers ni Robin ang kumampi sa governor, tama lang daw na bigyan din ng importansya ang mga taxpayer lalo na sa ganitong panahon para naman daw maramdaman nila ang balik sa kanila ng pagbabayad ng buwis.
Pero may mga nagsabi naman na tama ang punto ni Binoe dahil kailangang gawing prayoridad muna ang mga mahihirap.