5 kulong sa paglalaro ng bilyar

 

ARESTADO ang limang lalaki na naglaro umano ng bilyar sa isang palengke sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Sabino Son, 51, Marlon Adurro, 33, Richard Aguilar, 38, Joel Manases, 47, at Felix Muñez, 30, mga residente ng Novaliches.

Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa Illegal Gambling law at Proclamation 922 na nagdedeklara ng Public Health Emergency.

Naglaro umano ng bilyar ang mga suspek alas-12 ng tanghali sa Brian Market sa Quirino Highway, Brgy. Sta Monica, Novaliches.

Nakumpiska ng mga suspek ang P1,100 pusta, mga tako at billiard balls.

Read more...