MISS na miss na ni Anne Curtis ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis na nag-celebrate ng kanyang kaarawan recently.
Nasa Australia ngayon ang Kapamilya TV host-actress kasama ang kanyang nanay, kapatid at asawang si Erwan Heussaff at ang bagong panganak nilang panganay na si Dahlia Amélie. Doon na naabutan ng lockdown si Anne dulot ng COVID-19 pandemic.
Pero kahit na magkalayo, ipinararamdam pa rin ni Anne ang pagmamahal sa kanyang sisteraka na naka-stay at home naman dito sa Pilipinas.
Tulad nga ng pagbati niya sa nakaraang birthday ng kanyang “sestra” na si Jasmine. Nag-post si Anne ng throwback photo nilang magkapatid sa Instagram kung saan batang-bata pa ang Kapuso actress.
Nilagyan ito ni Anne ng caption na, “Happy Happy Birthday to my Sestra @jascurtissmith. We are all missing you so much and are praying for you to stay safe and healthy … enjoy your day with Jeffo and the bochogs.”
Binati rin ni Anne ang kanyang younger brother na si Thomas James na nag-birthday din last March 3. Ito yung araw na nasa hospital ang Kapamilya actress at ipinanganganak si Baby Dahlia Amélie.
“Annnnnd a belated happy birthday to our bro @thomasjamescs (sorry ate was in the hospital for your boitday) I promise to make up for it when all of this blows over. Love you both very very much,” sabi ni Anne sa kanyang IG post.
* * *
Speaking of Jasmine Curtis, kahit pansamantalang natigil ang pagpapalabas ng Kapuso series nilang Descendants Of The Sun, tuloy pa rin ang paghahatid nila ng good vibes sa mga Pinoy sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa official Facebook page ng DOTS PH, tuluy-tuloy ang pagpo-post ng mga inspiring stories and messages ang cast ng serye. Kamakailan lang ay muli nilang binigyan ng tribute ang mga frontliners na tinawag nilang tunay na “superheroes”.
“Saludo po ang #DescendantsOfTheSunPH sa mga health worker at miyembro ng militar at pulisya na s’yang nagbabantay ngayon ng ating kalusugan at kaligtasan. Maraming salamat po sa inyong serbisyo!” bahagi ng kanilang mensahe.
Hindi lang ang medical workers and professionals ang binigyan ng tribute nina Jasmine, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Rocco Nacino kundi pati na rin ang militar at pulis, mga warehouse at factory workers, grocery store personnel, restaurant workers, truck drivers, scientists and researchers, farmers at mga janitor, garbage collector at sanitation workers.
“Thanks to all our #Frontliners! You are our superheroes!” sabi pa sa caption ng FB post ng DOTS PH. Kasabay nito ang panawagan ng cast na huwag magsawang tumulong sa lahat ng naapektuhan ng killer virus.