INIHAYAG ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases spokeperson Karlo Nograles na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng IATF na palawigin pa ang lockdown sa Luzon hanggang Abril 30, 2020 sa harap ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).
“Pormal na inirerekomenda ng IATF ang pag-extend ng ECQ hanggang 11:59 p.m. ng April 30, 2020. Na kay Presidente po ang discretion na i-relax ito sa ibang lugar at i-exempt po ang ibang sektor, depende sa public health considerations and food security. Lahat po ng exemption sa ECQ na na-announce na dati ng IATF, tuloy pa rin po,” sabi ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na Lunes ng gabi nang aprubahan ni Duterte ang rekomendasyon ng IATF matapos naman ang kanyang public address.
Matatapos ang isang buwang enhanced community quarantine sa Luzon sa Abril 12, 2020.