‘Modified lockdown’ ihihirit

IMINUNGKAHI  ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang pagdedeklara ng ‘modified lockdown’ sa Luzon sa gitna ng laban sa coronavirus o COVID-19.

Sa isang interview, sinabi ni Pernia na balak nyang imungkahi sa Inter-Agency Task Force ngayong tanghali ang  pagpapagaan sa restriction ng transportation, pagbubukas ng ilang pharmacies at bilihan ng pagkain at mga retail shops para sa pangunahing pangangailangan.

“In the Luzon area, especially Calabarzon, Central Luzon and certain other areas in upper north of Luzon, many of them are agricultural provinces. We need to wrap up our agricultural supply.” ani Pernia.

Sa pag-transport ng pagkain, nais sana nya na ibalik sa normal ang schedule.

“The transport of goods for example from Benguet, from Baguio especially vegetables other agricultural products, fruits, the movement is still restricted because bringing vegetable cargo from the North to Manila, it has to be done by military transportation means I think.”

Nais din nya na payagan ang mga major companies na papasukin ang kanilang mga trabahador sa pamamagitan ng mga shuttle buses para mayroon pa ring physical distancing.

Sa edukasyon naman, isang ‘modified schooling’ ang dapat pag-usapan lalo na sa mga estudyante sa primary level.

“As far as upper levels of schooling like tertiary as well as secondary, that can be more easily done using technology but for primary grades, that’s kind of difficult and in fact it is the primary grade children that you don’t want to go to be going to school and endangering their health.” ani Pernia.

 

Read more...