UMALMA ang mga militanteng kongresista sa ginawa umanong panghaharass ng mga pulis sa community kitchen na nagpapakain sa mga residente ng Sitio San Roque sa Quezon City.
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na sa halip na suportahan dahil tumutulong ang Save San Roque at Kadamay na tumutulong sa mga walang makain sa komunidad ay sinira pa maging ang kanilang mga plakard.
“What laws are these policemen trying to implement when they harassed the community kitchen? Clearly none. There is no law that prohibits these residents for airing their calls. Some of the placards that were torn are even ‘Thank You’ messages for donors. What they did was nothing but abuse of power, something that Pres. Duterte has inspired in his several speeches empowering yet again the police and military to commit abusive actions against the people in the name of implementing the lockdown,” ani Gaite.
Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na malinaw na nilabag ng mga pulis ang karapatan ng mga tumutulong.
“Ang mga residente ng San Roque ay gutom at humihingi ng tulong, ito ay katotohan at relidad na nangyayari ngayon sa kalagitnaan ng krisis pangkalusugan,” ani Cullamat. “Nasaan na ba ang ayuda na pinapangako nila? Ano na ang nangyayari sa malaking budget na sinasabi nila para sa mga maralitang Pilipino? Asikasuhin na lamang nila ang pagtitiyak niyan at hindi ang pambubulabog sa mahihirap na wala namang hinahangad kundi tulungan ang kanilang mga kababayan.”
Pinagtatanggal ng mga pulis ang mga plakard sa lugar na nananawagan ng tulong. Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga pulis na muling nagtitipon-tipon ang mga taga-San Roque kaya pumunta ang mga ito roon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.