Pastor di napigilan mag-sermon sa 500 katao, inaresto

CAGAYAN DE ORO CITY — Inaresto ng pulisya ang isang pastor habang binuwag naman ang pagtitipon ng isang religious group dito nitong Linggo dahil sa paglabag sa social distancing na iniutos ng gobyerno bilang paglaban sa pagkalat ng Covid-19.

Ayon kay Antonio Resma Jr., pinuno ng Cagayan de Oro Regulatory Compliance Board (RCB), may 500 miyembro ng Word of God Spirit and Life Ministries Inc., ang dumalo sa Sunday service na inorganisa ng kanilang pastor sa isang lumang sinehan sa Capistrano Street.

“They were crowding themselves inside the old Rizal Theater in violation of the social distancing measures,” ayon kay Resma.

Matapos mapauwi ang mga miyembro, kinandaduhan ng  Cagayan de Oro government ang sinehan kung saan ginaganap ang mga pagtitipon o gawain ng Word of God Spirit and Living Ministries.

Kinilala ang inarestong pastor na si Alfred B. Caslam, 58, dahil sa di pagsunod sa utos ng pamahalaan laban sa religious gathering.

Dinala si Caslam sa Police Station 1 habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya.

Ayon kay Resma, ito ang ikalawang pagkakataon na sinuway ng pastor ang kautusan para sa community quarantine.

“The police and RCB also came and warned Caslam not to hold any religious gatherings anymore,” dagdag ng opisyal.

 

Read more...