PhilHealth tiniyak ang refund sa hospital bills ng mga pasyenteng may COVID

IBABALIK ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)  ang lahat ng nagastos sa hospital ng mga  pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease ( COVID-19)

Ayon sa Philhealth, ire-reimburse nila ng buo ang lahat ng hospital bills ng mga pasyenteng may COVID.

Saklaw nito ang mga pasyenteng  na-confine sa hospital sa pagitan ng Pebrero 1 hanggang Abril 14,2020 at nagbayad ng kanilang hospital bills.

Kasama rin ang mga pasyenteng maoospital dahil sa Covid ng mula Abril 15,2020 at sa mga darating na araw.

Ang lahat ng COVID-19 admission ay saklaw ng bagong case rate benefit package

Agad naman na ipapalabas ng Philhealth ang guidelines kung paano makukuha ang refund mula sa Philhealth.

Read more...