Glaiza nanawagan ng tulong para sa Baler surfers; Juancho namigay ng PPEs sa mga ospital

HUMIHINGI ng donasyon ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro para ipamahagi sa surfing community sa Baler, Aurora.

Naroon ngayon si Glaiza at pansamantalang nananatili sa kanilang beach house dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine. 

Nakikipagtulungan din ang dalaga sa The Aurora Surf Riders Association Incorporated (ASRAI) para sa fundraising campaign niyang ito.

 Pahayag niya sa kanyang Instagram post, “Still waiting for that day when we can all go outside and not worry about this virus. Despite the challenging times, it’s encouraging to see people coming up with different awesome ideas. 

“Amongst others, these two fundraising campaigns are close to my heart. Let’s help these local surfers and their families get through this. Inviting everyone to share or donate,” lahad pa ng aktres.

Samantala, gabi-gabing napapanood ngayon si Glaiza sa Kapuso series na Encantadia na pansamantalang umeere sa timeslot ng Descendants of The Sun pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. 

* * *

Tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ng magkakaibigang Juancho Trivino, Thea Tolentino at Mikoy Morales sa mga apektado ng COVID-19. 

Sa pamamagitan ng kanilang non-profit organization na RelievePH, nakapag-abot na sila ng tulong sa mga ospital na nangangailangan ng Personal Protective Equipment o PPEs. 

 

Ayon sa Instagram post ni Juancho, “Now, it is doing great. Just last night, we received a PhP 59,000 donation and it came from a lot of anonymous people who don’t want to be named — I would like to thank you. 

“To the frontliners, we are going to help and help is coming. We’ll do our best. Yung halos PhP 60,000 donations is around 200 PPEs worth, a thousand boxes of surgical gloves and masks, and alcohol, at marami pang iba,” mensahe pa ng asawa ni Joyce Pring.

Read more...