INATAKE muli ng matinding allergy ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos makakain ng bawal.
Ibinalita ito ng TV host-actress sa kanyang Instagram followers kasabay ng pagpapasalamat sa mga taong nakilala nila sa Puerto Galera nitong mga nagdaang araw.
Inabutan ng enhanced community quarantine sa isang beach house sa Puerto Galera si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at sa halos tatlong linggo nila roon, maraming natutunan at nadiskubre si Tetay.
Ilang residente roon ang na-meet ni Kris na malaki ang naitulong para kahit paano’y masigurong maayos ang kanyang health condition.
Nito nga lang nakaraang araw, muling inatake si Kris ng severe allergic reaction sa nakain niyang pagkain at kahit na wala siyang access sa kanyang mga gamot, sa tulong ng ilang mga taga-Puerto Galera unti-unti nang nawawala ang kanyang allergy.
Ipinost ni Kris ang ilang litrato sa kanyang IG page na kuha sa tinutuluyang resort. Aniya sa caption, “I had refrained from posting pics of where we’re staying but the owner & staff have been so KIND- they helped move some of my stuff to the beachfront room because the fresh sea air would help me recover faster.
“Sweets are supposed to help pag may allergens pa sa katawan, so they sent me fresh baked buco pie & Check has been making me turon saging w/ langka. (na super favorite ko)…
“Ang ulam siguro, after 3 days na pag na tanggal na sa katawan ko yung food allergens that i consumed.
“Thank you to nurse Mona na nagpuyat para magbantay kagabi (she’s from Mindoro, works in NCR; na lock in kaya para syang guardian angel sa ‘min ni bimb.)
“Thank you kay ate Loida & her extended family; Madame Lexie & everyone na stay-in sa resort for the warm hospitality; and most of all Randy & especially Check, who kept my ate updated & my sons well fed… Bedrest po dahil nanghihina pa. God bless everyone,” mensahe pa ni Tetay.
Marami na ring natulungang residente sa Puerto Galera ang mommy nina Josh at Bimb habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine, kabilang na ang pagdo-donate ng saku-sakong bigas.