AFP chief negatibo na sa COVID-19

NAG-negatibo na si Armed Forces chief Gen. Felimon Santos Jr. para sa 2019-Coronavirus disease, matapos mag-positibo sa naturang sakit noong nakaraang buwan.

Lumabas ang pinaakahuling resulta ng pagsusuri kay Santos ng Department of Health at Research Institute for Tropical Medicine ngayong araw (Linggo), ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo.

“He (Santos) is thereby deemed to have recovered although he has not experienced any of the symptoms of virus infection,” ani Arevalo.

Ayon pa sa military spokesman, kahit pa nag-positibo sa sakit noong Marso 27 ay hindi tumigil si Santos sa pagtatrabaho bilang AFP chief sa loob ng quarters nito.

“We wish to thank everyone for the continuing prayers and support accorded to the AFP Chief and to every soldier, airman, sailor, and marine who tirelessly protect fellow Filipinos and the communities against COVID-19 and other threats to national well-being,” aniya.

Kaugnay nito, nanawagan ang AFP sa lahat ng mga lugar na naka-quarantine na manatili sa loob ng bahay, gumamit ng mask, panatilihing malinis ang katawan, at ipagpatuloy ang physical distancing.

“This battle against COVID-19 is everybody’s fight that should start from our respective homes. The life we are saving by doing that could be our own or that of our loved ones,” ani Arevalo.

Read more...