IATF pagkatiwalaan kung kailangang i-extend ang quarantine o hindi

DAPAT umanong pagkatiwalaan ng publiko ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease sa pagdedesisyon kung kailangan ng alisin o palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano ang naisip ng task force ay ang kapakanan ng nakararami upang makontrol ang pagdami ng nahahawahan ng coronavirus disease 2019.

 “And Secretary (Carlito) Galvez has started talking about the curve, which means that there are statistical models showing that at a certain point of time, Covid-19 cases will peak, then plateau or flatten, and then will start to go down. When they are decreasing, usually, the quarantine would be lifted,” ani Cayetano.

    Si Galvez ang itinalagang chief implementer ng national action plan laban sa COVID-19.

Mayroong mga sektor na nagsasabi na dapat ay tapusin na ang ECQ pero mayroon namang mga nagsasabi na dapat itong palawigin dahil posibleng mas lalong lumaki ang problema kung aalisin na ito.

 “Yes, as soon we can open more areas or sectors of our economy, we should do that. But I think let’s give Secretary (Eduardo) Año (of interior and local government) and Secretary Galvez the time to explain the numbers, the strategy…Let’s trust the IATF,” ani Cayetano.

Ang lahat umano ay nagsasakripisyo para mabawasan ang nahahawa at namamatay.

“Mall owners, for example, lose money every day that they are closed due to the enhanced community quarantine. But they care for their customers. They don’t want anyone to die or get severely sick just because they want to open up. I think we are all in the same level of balancing.”

Read more...