KUNG inaakala ng madlang pipol na dedma na lang si Luis Manzano sa mga bashers at haters sa social media, nagkakamali kayo.
Muling “sinunog” ng TV host-comedian ang ilang netizens na nang-okray sa kanya sa Twitter, partikular na ang tumawag sa kanya ng “bayot” o bakla.
Sa isang tweet ni Luis, nag-comment ang isang netizen ng, “Hoy bayot pag hilom,” o “Hoy bakla manahimik ka” sa Tagalog.
Reply sa kanya ng Kapamilya TV host, “Kung maka-bayot ka naman as if masama maging bayot, itsura mo nga ‘yung nagnanakaw ng bag sa fastfood.”
Hirit pa ng boyfriend ni Jessy Mendiola, “Kung makasabi ka naman ng bayot, as if masama maging Bayot, tandaan mo ang LGBT+, breakfast lunch dinner ay discrimination ng ibang tao, at hinahassle pa…
“But yet, they always excel sa kahit anong gawin nila (smiley emoji) bayot ba ako? Nope (smiley) lupit ba nila? yes!” resbak pa ng binata.
Comment naman ng isa niyang follower sa Twitter, ang naging pahayag niya ay halatang galing sa bading, “Ay alam ko yang sagot na yan. Bayot kaayo hahaha.”
Hirit pa ng naunang nam-bash sa binata, “Luis bakla din po ako no need na pangaralan ako.
“Hindi kita dini discriminate, dini describe po kita. Alam ko at amoy na amoy ko. I hope mahanap mo sa sarili mo yung totoong identity mo po.
“Hehe idol Salamat sa notice. Lab u!” sabi pa ng netizen pero deleted na ito sa thread ni Luis.
Bwelta uli sa kanya ni Luis, “Binura mo nga tweet mo dahil nagmukha kang tanga… so as a gay man, you believe na ikaw dapat mag out sa isang tao at hindi sa terms niya?
“Lupet mo ha, nasa yo pala ang say kung kelan dapat sila ma out in a humiliating manner, tanga nga talaga,” pahayag pa ni Luis.
Kilala ang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano sa pagpatol sa mga haters, lalo na kapag alam nitong walang katotohanan ang ibinabato sa kanya na ang tanging motibo ay mang-asar at manglait.