5 nasakote sa drug operation

KALABOSO ang lima katao, kabilang ang dalawang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kagabi.

Naaresto sina Danilo Imutan, 18, John Rey Encarnacion, 18, Annalisa Cabugo, 36, Joan Consuelo, 36, at Laurence Aldave, 23, mga taga-Novaliches.

Pinaghahanap naman ang kanilang kasama na si Jon-jon Camomot alyas “Toothless”.

Naaresto ang mga suspek sa tapat ng sari-sari store sa Ginintuang Landas, Arguadiente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Narekober umano sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu na may kabuuang halagang P34,000, dalawang sachet na may lamang marijuana na nagkakahalaga ng P120, at dalawang cellphone.

Read more...