4 huli, 100 gramo ng shabu nasamsam sa QC

ARESTADO ang tatlong lalaki at isang babae na nahulihan umano ng 100 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Michael Macalma, Vanessa Bayani, at Allan Remolacio, mga taga-Brgy. Kaligayahan, at Michael Barriga, ng Brgy. Pasong Putik.

Nahuli ang mga suspek ala-1 ng umaga sa Malipaka st., Brgy Kaligayahan.

Narekober umano sa mga suspek ang walong sachect ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, isang .38 revolver, isang sumpak, at isang kotse (TGZ 866).

Read more...