Ambulance driver na tinamaan ng bala tutulungan | Bandera

Ambulance driver na tinamaan ng bala tutulungan

Leifbilly Begas - April 04, 2020 - 11:34 AM

TUTULUNGAN ng ACT-CIS partylist ang driver ng ambulansya na binaril sa kamay dahil sa paniwala na naghatid ito ng pasyente na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Magbibigay ng legal assistance ang ACT-CIS kay Sofronio Ramilo, ambulance driver ng Peter Paul Medical Center sa Candelaria, Quezon, upang matiyak na makakukuha ito ng hustisya sa ginawa sa kanya ng kapitbahay na si Ramil Alcantara.

Iginiit ni Rep. Eric Go Yap, isa sa may-akda ng Bayanihan to Heal As One Act, ang pangangailangan na maproteksyunan ang mga health workers na ginagampanan ang kanilang tungkulin upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi naman ni Asst. House Majority Leader Niña Taduran ang kahalagahan na maparusahan ang nagkasala hindi lamang sa kaso ni Ramilo kundi sa lahat nang nang-harass, nanakit at hindi rumespeto sa mga health workers.

“We have a single enemy, and that’s Covid-19. In this time of crisis, we must unite and help each other instead of discriminating and inflicting harm especially on our health workers,” ani Taduran.

Nagalit umano si Alcantara ng makitang nakaparada ang ambulansya sa tapat ng bahay ni Ramilo, na umuwi para maghapunan.

Pinaliwanagan umano ni Ramilo sa Alcantara na ang mga isinasakay nito ay ang mga health workers at regular na nililinis ang ambulansya.

Nagpaputok umano ng baril si Alcantara sa lupa at nag-ricochet ang bala kaya tumama ito sa kamay ni Ramilo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending