Duterte itinangging sinabi ang “shoot to kill” vs lockdown violators
ITINANGGI kagabi ni Pangulong Duterte na ipinag-utos niya ang “shoot to kill” sa mga lalabag sa lockdown sa buong Luzon matapos ang nangyari protesta sa Quezon City.
“At wala akong sinabi… Remember this, abogado ako. I never said in public shoot to kill, period. Sinabi ko… Always ‘yan maski ‘yung sa human rights diyan sa UN, if you think that your life is in danger, maging biyuda ang asawa mo na maganda, mag-asawa uli, at ang mga anak mo mawalaan ng tatay, ‘pag tinignan mo na delikado ang buhay mo, patay, unahan mo na, patayin mo,” sabi ni Duterte sa kanyang public address kagabi.
Matatandaang sa kanyang naunang video message noong Abril 1, nagbanta si Duterte sa mga magtatangkang manakot sa gobyerno matapos ang nangyaring protesta ng 21 residente sa Quezon City dahil umano sa kawalan ng ayudang natatanggap.
“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” sabi ni Duterte sa naunang public address.
Tiniyak naman ng militar at pulis na hindi sila tatalima sa kautusan.
“Hindi ako basta-bastang bibitaw ng salita. Sinabi ko if your life is in danger, then in arresting a person, kayong mga ayaw sumunod sa batas, you converge. Hindi natin matapos ito, itong problema natin, sige kayo labas,” giit pa ni Duterte sa kanyang pinakahuling pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.