Isa lang ang itlog, takot baka hindi na magkaanak

MAGANDANG araw po, doc. Tanong ko lang po palagi po kasi masakit ang likod ko sa dakong ibaba hanggang sa may pigi. Sobrang nahihirapan po ako pag umuupo o pag nakatayo. Masakit talaga. Nagpa-xray na ako, ang resulta muscle spasm. Ano po kaya ito at ano po ang pwede kong gamot dito? Salamat po, doc. — Lyn

Kailangan mo ang magpa-BOSACRAL CT SCAN. Para maalis ang konsiderasyon sa “nerve compression” dahil sa ‘Disc Herniation” o kaya problema sa “spine”.
Pansamantala, uminom ng MYONAL 1 tab 3x a day for 3 days, CELEBREX 400mg once a day for 5 days, ayusin ang “POSTURE”, at mahiga sa “firm and flat” na higaan, kung maari sa sahig, at walang kutson.

Good day po. Gusot ko pong ipatalakay sa inyo ang mga pagkaing nakakatanggal ng antok, palagi po kasi akong kulang ng tulog at ayaw ko pong uminom ng kape kasi nakakafeel ako na magkakaroon ako ng nerbiyos. — Laila, 20, Davao City

Ang ANTOK ay senyales na kailangan mo ng TULOG. Walang pagkain, bitamina, supplements na maaring pumalit dito.
ITULOG mo yan, kumuha ng sapat na oras ng tulog dahil malaki ang naidudulot na STRESS sa iyong katawan at kaisipan sa sandaling ikaw ay kulang sa tulog. Ang sapat na oras na tulog ay walong oras.

Itago nyo na lang po ako sa palayaw na Marco, taga Cotabato, Mirab, Upi.
Doc, isa akong government employee. Tanong ko lang po sa yo doc, may pag-asa pa kaya akong magkaanak kasi iisa lang ang aking itlog dala ng aking kapansanan sa aking kamay. Gulung-gulo ako, 28 years old akong binata. Maraming salamat po. Sana matugunan niyo ang aking tanong. Salamat po.

Huwag mawalan ng pag-asa. Bilyones ang punla o “SPERMS” ang nagagawa ng isang itlog, mas marami kung dalawa.
Hindi kailangan ng bilyun-bilyong mga sperm cell para mag-fertilize ng itlog ng babae. ISANG PUNLA lang ang kailangan!
Magpagawa ka ng SPERM ANALYSIS sa laboratoryo. Wala naman sigurong kinalaman ang kapansanan mo sa kamay para hindi ka magkaanak in the future. Batam-bata ka pa para maguluhan ang iyong isip tungkol sa bagay na ito.

Good afternoon po, doc. Bakit po namamanas yung mga paa ko, hindi naman po ako buntis. Bigla po yung pagbigat ng mga paa ko. Ano po ba ito? Salamat po, doc. – Jesusa Sacueza, 34, Valenzuela City

Salamat sa iyong text Jesusa. Tungkol sa tanong mo, maraming posibleng dahilan kung bakit namamanas ang iyong mga paa. Posible na dahil yan sa kulang sa nutrition, maaari rin namang may sakit sa atay o kaya ay sa puso o sa bato. Mas mabuting ngayon pa lang ay pa-check ka muna sa doctor na malapit sa inyo para malaman ang tunay na dahilan.

Read more...