LUMAGPAS na sa mahigit 3,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa bansa, samantalang nasa 136 na ang nasawi dahil sa COVID-19.
Sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 3,018 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos na makapagtala ng 385 bagong kaso.
Samantala, 29 naman ang bagong namatay dahil sa deadly virus dahilan para umabot na sa 136 ang mga pumanaw.
Nasa 52 naman ang nakarekober mula sa sakit.
MOST READ
LATEST STORIES