ARESTADO ang apat katao na nagbebenta umano ng overpriced na alkohol sa Tondo, Manila.
Nahuli sina Jovelyn Gingo, 31, Kimper Joy Edoloverio, 26, ng Brgy. Culiat, Ignacio Cortes Jr., 63, ng Brgy. Holy Spirit at Michael Jade Pablo, sa pinagsamang operasyon ng Quezon City Criminal Investigation and Detection Group, District Intelligence Division at Philippine Air Force.
Nagbebenta umano ng alkohol online ang mga suspek. Isang confidential informant ang nakabili umano ng 500 ml na Green Cross Isopropyl Alcohol sa halagang P170 malayo sa P99.75 suggested retail price.
Sa tulong ng Department of Trade and Industry nagpanggap ang poseur buyer na bumili ng 126 bote ng alkohol sa halagang P22,000.
Hinuli ang mga suspek matapos tanggapin ang bayad ala-1:30 ng hapon sa Yuseco st., Brgy 231, Tondo, Manila.
Narekober ng pulisya ang 90 pang bote ng alkohol.