Meralco, iba pang kompanya sagot ang kuryente sa temporary health facilities

Meralco

SASAGUTIN ng Manila Electric Company ang konsumo sa kuryente ng tatlong temporary health facilities na itinatayo ng Department of Public Works and Highways kung saan ilalagay ang mga nahawa at posibleng nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon Meralco maglalagay sila ng maayos na electrical system sa Philippine International Convention Center, World Trade Center sa Pasay City at Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Complex sa Maynila upang matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa mga ito.

Sa isang pahayag sinabi ni Meralco President and CEO Atty. Ray Espinosa na nakikipagtulungan sa kanila ang iba pang kompanya upang matiyak na sapat ang suplay ng kuryente sa mga temporary health facilities.

“The immediate conversion of the three facilities into health centers is crucial, and we will do our part by ensuring fast, adequate and safe energization. Reliable power is critical too, and Meralco commits uninterrupted flow of electricity to the temporary structures,” ani Espinosa. “We will also take it upon ourselves to assist in relieving these establishments of any additional costs resulting from the government’s mission of accommodating the growing number of COVID-19 patients.”

Sasagutin ng Meralco at Ayala Group ang gatos sa kuryente sa World Trade Center. Ang Razon Group at Meralco naman ang sasagot sa gastos sa kuryente ng Ninoy Aquino Stadium at maghahati naman ang Meralco at San Miguel Corporation sa PICC.

“We will continue working hard to give medical workers and frontliners the reliable service they need now more than ever. All hands are on deck to ensure these new health facilities are constructed according to the planned timelines, and run like clockwork once they begin operations. Meralco continues to keep up the good fight and sustain our mission to keep the lights on for our brave frontliners and afflicted patients,” dagdag pa ni Espinosa.

Read more...