Kris maraming natutunan sa ‘buhay-probinsya’, nagpadala ng pers sa munisipyo ng Galera

MARAMING natututunan ngayon si Kris Aquino sa “buhay-probinsya” habang naka-enhanced community quarantine ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

Halos kalahating buwan na sa Puerto Galera si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby matapos abutan doon ng lockdown. At in fairness, mukhang nag-eenjoy naman ang mag-iina sa beach house na pag-aari ni Willie Revillame. 

Pahayag ng TV host-actress, may marami na siyang natutunan bilang “island girl.”

“Marami akong natututunan sa buhay probinsya, lalo na tungkol sa realidad sa ‘resort’ town. 

“Ang mga residents may mga maliit na taniman ng gulay sa kanilang mga bahay pero walang palayan na malapit, kaya mahalaga talaga ang supply ng bigas.

“Masakit sa puso kasi dapat ngayon ang ‘peak season’ ng mga Galerans (taga-Puerto Galera) for tourism,” chika pa ni Tetay.

Sey pa ni Kris, may rason kung bakit sa Puerto Galera sila napadpad habang may community quarantine,  “I believe we find ourselves in a specific area at a specific time as part of God’s plan.” 

Samantala, patuloy ang pagse-share ng blessings ni Kris sa mga taga-Puerto Galera lalo na sa mga nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 crisis.

“Nakapagpadala ako ng pera sa munisipyo ulit kanina para makatulong bumili ng 25 more cavans of rice for this week. Nakakataba ng puso yung sincere na pag thank you ni Mayor Rocky ng Puerto Galera.

“Thank you sa ngiti dahil na-appreciate ang konting effort; I am aware blessed kami nila kuya Josh and Bimb kasi meron kaming pwedeng maitulong,” mensahe ni Kris.

Pagpapatuloy pa niya, “I am no longer active in entertainment, nobody in my immediate family is in politics, so for me this makes it all the more REAL—walang inaasahang kapalit, nakikiisa lamang sa mga kapwa Pinoy.

“Paulit ulit ako laban nating lahat ito at importanteng magtulungan sa abot ng makakaya. Hindi ko rin naman kayang maging panatag ang loob dahil lang okay kaming tatlong mag-iina, habang napakaraming naghihirap, kaya nagsusumikap na makaambag kahit papaano.

“I was never raised to be selfish, I was always taught to SHARE,” aniya pa.

Read more...