Carmina vs Zoren sa cooking challenge; Megan, Mikael may hugot sa ‘ECQ’

BAHAGYANG magbabago ang mukha ng Saturday programming sa GMA 7 tuwing umaga.

Dahil nasa gitna pa rin tayo ng krisis, bukod sa mga rerun ay feel-good ang mga ipinalalabas, dahilan para pumirmi tayo sa ating mga tahanan.

Nakikiisa ang Kapuso network sa stay home policy na mahigpit na ipinatutupad para tuluyan nang masawata ang mapinsalang virus.

Para sa medikal na impormasyon, alas-sais ng umaga mapapanood ang Pinoy M.D. Susundan ito ng Bleach ng 7 a.m.. Ben 10 naman sa 7:30 a.m., Justice League War at 8; Angry Birds Toon at 8:25, Knockout at 8:50.

Kaabang-abang naman para sa mga bata ang Dragon Ball Super at 9:15 followed by Maynnila at 9:45. Para sa tsikahan at lutuan, huwag palampasin ang Sarap ‘Di Ba? hosted by Carmina Villaroel all the way up to Eat Bulaga at 11:30.

                                                                  * * *

Showbiz couple Zoren Legaspi and Carmina Villaroel sure know how to ward off boredom sa panahong wala tayong magawa pare-pareho kundi ang pumirmi sa bahay.

Kaya naman maging ang mag-asawa ay mistulang may sariling cooking show sa kanilang tahanan. And what better way to spend their time together than get into a cooking challenge?

Their picture here says it all. Clad in house clothes (at mukhang wa pa sa pag-take a shower), there’s fun seeing them prepare for the kitchen bout.

Who’s the better cook kaya? This much we know, while cooking is a woman’s department, hindi magpapakabog ang mga sugo ni Adan sa kusina.

* * *

Anumang estado sa buhay, lahat ay apektado ng krisis na kinahaharap ngayon ng mundo. 

Sa kanilang podcast na “Behind Relationship Goals”, ibinahagi ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez kung paano naapektuhan ng lumalaganap ngayong sakit na COVID-19 ang kanilang personal at professional lives. 

Ayon kay Mikael, isa sa pinakanaapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine ay ang kanilang trabaho. 

Lahat daw kasi ng kanyang projects pati na rin sa abroad ay nakansela, “Everything was cancelled, this isn’t just affecting our psyche and emotions, this is affecting our income, our lives, our productivity.”

 Dagdag ni Megan, nagpapasalamat daw siya na itinigil muna ang taping ng mga serye para maiwasan ang makahawa ng kapwa. Pagpapaalala pa ng dalawa, importante na ‘wag mag-panic at ma-stress sa ganitong sitwasyon at sa halip ay ipukol ang oras sa mga makabuluhang bagay. 

Aliw naman ang netizens sa pakikinig ng relevant and informative podcasts ng mag-asawa. Comment ng isang netizen, “Your podcast relaxes me all the time! Thank you for sharing your time with us.” 

Samantala, magbabalik-telebisyon si Megan sa much-awaited GMA series na Legal Wives habang si Mikael naman ay napapanood sa Love of My Life na pansamantalang pinalitan ng My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.

Read more...