Catriona Gray nakakolekta ng P1M donasyon para sa mga taga-Smokey Mountain

CATRIONA GRAY

NAKALIKOM ng P1 million donasyon si Miss Universe 2018 Catriona Gray na ipamamahagi sa mga pamilyang naninirahan sa Smokey Mountain, Tondo, Manila.

Nagpasalamat si Catriona sa lahat ng kanyang followers sa social media na tumugon sa panawagan na mag-share ng blessings sa lahat ng mga nangangailangan sa panahon ng krisis. 

Nag-post ang dalaga sa Instagram ng mensahe ng pasasalamat at nangakong makararating ang lahat ng donasyon sa dapat nitong pagbigyan.

“I can’t keep the smile from my face. THANK YOU SO MUCH to everyone who joined in donating towards helping feed the families of Smokey Mountain, Manila! Together we’ve raised $20,000.

“Currently we’ve distributed to 790 families and are in the process, in partnership with @youngfocusph staff and other local NGOs, of feeding another 1000 families this coming Friday (ngayong araw)! 

“Because of your generosity almost 2,000 Filipino families will not go hungry and be able to stay home to protect their families health as well as their own!” aniya pa.

Ayon pa kay Catriona, tuluy-tuloy lang ang kanilang pagtulong at pamimigay ng relief goods sa mga taga-Tondo.

 “Let’s continue to reach more families in this time of need. One 15kg bag of rice costs only $11US or Php550. 

“Any little bit of kindness is very much appreciated! All bank and donation info can be found on www.youngfocus.org/rice. Thank you SO much!” mensahe pa ni Catriona.

Kamakailan ay nanawagan nga ang beauty queen sa madlang pipol na kung may sobrang budget ay magbigay ng ayuda sa pamamagitan ng kanilang donation drive para sa mga naninirahan sa Smokey Mountain na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 crisis.

Read more...