PACC chief Luna sinupalpal sa hirit na imbestigahan ng NBI si Leni

DAPAT umanong imbestigahan si Vice President Leni Robredo dahil nakikipagkompetensya ito sa gobyerno sa paglaban sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay Presidential Anti-Crime Commission chief Manuelito Luna dapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation si Robredo na nakikipagmagalingan umano sa gobyerno.

“The NBI should investigate Vice-President Leni Robredo for illegal solicitations, actions that compete with, or calculated to undermine, national government efforts in this time of public health emergency or national calamity,” ani Luna.

Kabilang umano sa ginagawa ni Robredo ang pagbibigay ng libreng sakay at libreng dormitories at protective personal equipment sa mga health workers.

“(These) may be in violation of the NDRRMC Law and its Implementing Rules and Regulations, the Solicitation Permit Law and Related Issuances, the measures and protocols of the Inter-Agency Task Force on the Management of Emergent Infectious Diseases (IATFEID) to arrest the spread of SARS-CoV-2, and for accounting.”

Mali umano ang ginagawa ni Robredo na makipagkompitensya sa DoH, DSWD and OCD/NDRRMC (Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Office of Civil Defense/National Disaster Risk Reduction Management Council), at mag-solicit ng donasyon sa publiko lalo at may pondo naman ang gobyerno para rito.

Tinawag naman ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na “ridiculous and inappropriate” ang pahayag ni Luna.

“Anyone who insists that bringing much needed assistance to hospitals, health workers, and poor Filipinos is somehow a ‘competition’ has absolutely no understanding of the gravity of the crisis we are all facing,” ani Gutierrez.

Sinabi ni Gutierrez na ang pagtulong ni Robredo ang nararapat na gawin at ginawa umano niya ito ng hindi gumagamit ng pondo ng gobyerno. Tumulong umano si Robredo dahil nakita nito na kailangan ang kanyang tulong.

Tanong naman ni Albay Rep. Edcel Lagman imbestigasyon ba ang dapat na iganti sa tulong?

“Should Good Samaritans who are helping combat the deadly COVID-19 be summoned by government to account for their volunteer work?” ani Lagman. “Has President Duterte not asked Filipinos to do their share in the battle against the lethal novel coronavirus?”

Iginiit naman ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran na ang dapat atupagin ng PACC ay habulin ang mga nagsasamantala sa publiko kaya kulang ang suplay ng pagkain at medical equipment.

“Hindi naman kumpetisyon ang pagtulong. Sa dami ng nangangailangan, mas mabuti kung marami rin ang nagtutulong-tulong para masuportahan ang pangangailangan ng ating mga kababayan. This is a national emergency, we can’t afford to delay all the help we can give to somehow prevent chaos from setting in,” ani Taduran sa isang pahayag.

Pinapayagan din umano ang paghingi ng tulong ng gobyerno sa pribadong sektor sa ilalim ng Republic Act 1012 (Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction).

“Mas mabuting mag-focus ang PACC sa mga opisyal na pinahahawak ng pera ng pamahalaan na dapat ay ipinamamahagi sa mga tao pero hindi naman nakararating,” dagdag pa ni Taduran.

Read more...