NASAWI ang isang lalaki at sugatan ang kanyang kasama ng pagbabarilin habang nagbabantay sa isinarang kalsada sa Quezon City kaugnay ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Kinilala ang nasawi na si Ronald Cumayas, 38, pintor at ng Area 3 Dove st., Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan.
Nagtamo naman ng tama ng bala sa kanyang braso si Aldredo Batino, 20, air-con technician, at ng Dove st., Sitio Veterans.
Nakabantay umano ang dalawa sa kanto ng Eagle at Dove sts., alas-10:30 kagabi nang dumating ang apat na lalaki na nakasakay sa dalawang motorsiklo.
Nagpaputok umano ng baril ang mga suspek. Agad na namatay si Cumayas at nakatakbo naman si Batino. Siya ay dinala sa East Avenue Medical Center.
Nakuha sa crime scene ang 10 basyo ng kalibre .45 pistola.
Kinondena naman ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo an pamamaril at inatasan ang Criminal Investigation and Detection Unit na arestuhin ang nasa likod ng pamamaril.
“The QCPD condemns the senseless and shameless shooting. It is certainly an act of cowardice by motorcycle-riding criminals against the volunteers made personal sacrifices amid the COVID 19 Crisis,” ani Montejo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.