Mananahi ng basahan wagi sa lotto

ISANG mananahi ng basahan ang nanalo ng P4.5 milyong jackpot prize sa draw six-digit lotto, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang nanalo ay 49-anyos, single-parent at taga-Bagong Pag-Asa. Mag-isa lamang siyang nakakuha ng mga numerong 1-2-7-6-2-5 sa six-digit draw noong Hulyo 30.

Ang mga numero ay petsa ng kaarawan niya at ng kanyang nag-iisang anak.

Plano niyang dagdagan ang kanyang kapital sa pananahi ng basahan at bumili ng sarili niyang bahay at lupa.

Itatago rin niya ang bahagi ng pera para sa pangangailangan nilang mag-ina sa hinaharap.

Read more...