NAIS ng isang bagitong kongresista na palawigin ang saklaw ng kasong adultery upang maparusahan din ang mga kasal na pumapatol sa bakla at tomboy.
Sinabi ni Albay Rep. Edcel “Grex” Lagman Jr., na panahon na upang gawing akma sa panahon ang Article 333 of the Revised Penal Code (Crimes against Chastity) upang maparusahan hindi lamang ang mga lalaki at babae na nakikiapid sa may-asawa kundi maging ang mga lesbian, gay, bisexual at transgender.
“But what if a married woman engages in a sexual activity with another woman? Conversely, what if the married man engages in a sexual activity with another man? Under the present law, no crime is committed here,” ani Lagman.
Sinabi ni Lagman na tanggap na ng lipunan ang mga LGBT at kasabay nang pagbibigay ng karapatan sa kanila ay dapat din silang bigyan ng limitasyon sa kanilang mga maaaring gawin.
“I believe a cultural change is required especially in the context where LGBT liberties invariably take center stage and, unfortunately, put on the periphery responsibilities and possible sanctions that they ought to contend with,” saad ng kongresista.
Dagdag pa ni Lagman: “The law as it now stands only provides a cause of action against men and women who carry on extra marital affairs with full knowledge that their lovers are married. With my amendments, there can now be a cause of action for gay and/or lesbian lovers. If this bill passes, legal recourse can now be had by an aggrieved spouse against her husband’s gay lover and or his wife’s lesbian lover.”
Sinabi ni Lagman na mayroong grupo ng LGBT na sumusuporta sa kanyang panukala kaya umaasa siya na maisasabatas ang House bill 2352.
MOST READ
LATEST STORIES