NANGANGAMBA si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na baka madamay ang Metro Manila sa serye ng bombahan sa Mindanao.
Sa pagdinig ng Senate committee on public order at dangerous drugs kaugnay sa madugong pagsabog sa Cagayan de Oro noong Hulyo 26, si-nabi ni Enrile na may posibilidad na maghasik din ng lagim sa ibang siyudad ang may pakana ng pambobomba.
“I suppose that at this time, you have an anticipation of a problem. (It’s) not just confined to any locality in the country but it might spread out, especially in Metro Manila. Do you have any preparation for this…?” tanong niya kay PNP chief, Director General Alan Purisima.
Pero ipinaliwanag ni Purisima na walang indikasyon na madadamay ang Metro Manila sa pambobomba.
“It’s an idea. We’re also thinking about it but for now, there are no indications,” ayon sa opisyal.
Suspek kinasuhan
Samantala, sinampahan ng kasong multiple murder ang mga suspek sa pambobombang ikinasawi ng walo katao at ikinasugat ng mahigit 40.
Inasunto ang isang kilalang suspek at ilang John Doe kamakalawa ng hapon sa Cagayan de Oro City Prosecutor’s Office, ani Supt. Michael Deloso, tagapagsalita ng police task group na nag-iimbestiga sa pambobomba.
“He was identified by our witnesses, reliant tayo sa testimony ng ating witnesses that’s why we came up with the computerized facial composite,” sabi ni Deloso, patukoy sa nakilalang suspek.
Gayunpaman, tumanggi si Deloso na sabihin ang pangalan ng suspek.
Tiangge ng bomba
Samantala,sinabi ng pulisya na merong isang tiangge ng bomba ang natuklasan sa rehiyon ng Mindanao.
Ito ang nabunyag kahapon sa ginanap ng pag dinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drug makaraang aminin mismo ni Purisima ang nasabing tindahan ng bomba.
Hindi naman tinukoy kung saan matatagpuan ang nasabing tiangge. Tiniyak naman sa komite ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pagsasagawa ng imbentaryo ng mga bomba at iba pang armas ng PNP. —Inquirer, John
Roson, Liza Soriano
Bombahan dadalhin sa Metro Manila
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...